Monday, November 17, 2008

Tanong

May mga bagay sa ating buhay na darating sa puntong napakadami nating tanong. Mga tanong na kayhirap ipaliwanag. Kay hirap hanapan ng kasagutan. Mga tanong tanong tungkol sa ating sarili na katutuyuan ng utak. Masakit sa ulo. Mga tanong na sarili lang ang pwede sumagot, pero di natin alam.. (magulo ata?) May mga tanong na dapat ibahagi para makuha ang kasagutang inaasam.

Ang daming katanungan na umiikot sa isip ng bawat tao. Kung pwede nga lang basahin ang iniisip ng tao, malulula sigro sa dami ng katanungan. Ang sarap magbasa ng tanong na walang tiyak na kasagutan.

Meron mga tao na desperado na makuha ang kasagutan.. try mo kaya mag tanong kay jude or kay peter. Isa sila sa mga sikat na website.. askjude.com at peteranswers.com.. Pero isa lang silang malaking kalokohan.. Kakorny ng gumawa ng site n yan..
oh di kaya subukan mong magpahula?? nakow, isa din napakalaking kalokohan.. Wag hayaan na ibang tao ang magdikta kung ano ang mga mangyayari sa buhay ng isang tao.. Aasa ka lang.. Andyan naman si God.. 24/7 palagi.. kadali lapitan.

Pero di ba narerealize ng tao, nakakabaliw na din mag isip ng sagot sa mga katanungan. Lalo na tung mgsa tanong sa sarili at tanong tungkol sa mga bagay bagay dito sa mundo. Nakakapagod na magtanong sa sarili na, "ano ang kasagutan sa tanong na ito? Lalo na kung yung paulit ulit na lang. Nakakasawa. At mas masaklap na umaasa ng kasagutan sa tanong na waka ng pag-asang masagot pa. Mahirap umasa sa walang kasagutan. kapagod na magtanong.

Di lahat ng tanong ay may instant kasagutan. Merong mabilis masagot, mag matagal, sobrang tagal at pinakamasaklap ay wala ng kasagutan. Nakakasawa na magtanong. Lahat ay nadadaan sa pag iintay. Kadalasan, ang sagot ay dumadating pag tayo ay humintong magtanong.


Ikaw! oo ikaw na nagbabasa.. Anong tanong mo?


3 comments:

ponkan21 said...

ayos poh ah!

Anonymous said...

nice po!

Rica the MABAIT said...

well... if you enjoy torturing your brain and its cells with questions then good luck brain...and more power to you... well... i could probably say that you have a lot of free time that's why you asked too many questions to your brain... give some mercy to your brain don't stress it too much... follow me... just daydream in your own world filled with fantasies... in that way... whatever question you asked... you could just let it be... cause in your own world it is your rule...