Saturday, November 22, 2008

1st part: Jeep


Heto na naman, papasok na naman sa school. Masaya, malamig ang hangin. Sakto di ako pagpapawisan. Kay sarap pagmasdan ng araw. Pasikat palang ito. Nakakarefresh ng sobra. Feeling ko magagawa ko lahat ng tama buo kong araw, dahil nakita ko lang ang pagsikat ng araw, ang babaw ng dahilan. Pero punong puno ng pag asa.

Kabad trip nga naman. Walang van. Kundi lang kasi mga colorum.. kainis nga talaga. Sarap hilahin ng mga tonsil! Kaaga aga, ang haba ng pila. Ano yan, pila sa LTO? Pila sa NFA? Mga ganyang eksena ang naranasan ko nung nakaraang araw lang. hays, no choice! Nagisipin ako ng malalim. Nagdesisyon.. Sobrang pinagisipan ko talga. At yun na nga.. Naisip ko ako ay mgjijeep.. GRRR!! Ayoko pa naman magjeep!! Hindi naman ako mayaman ah!! Paki ko ba?! The nerve!! Buti nalang may dalawa ako kasabay.. ayoko ng nagjijeep eh!!

Buti nalang at medyo maaga pa. di pa ganun kaataas ang araw. Sa isip isip ko, maswerte ako.. pero ang bigat talaga sa loob ko. Ayoko magjeep kahit anong condition basta pag papasok ng school. Kahit complete pa sound system ng jeep, kahit todo customize, kahit may cr pa yan, kahit maluwag man yan, kahit malambot pa upuan nyan! Hay naku! Jeep will be always be jeep. Kahit libre pa, cyempre sasakay na ako pero mabigat parin sa loob ko. Ang arte ko naman! (haha!)
Back to being maaga. Nakasakay na kami sa jeep, sigh.. Maaga nga, ang liit naman ng bintana ng jip. Sa tantya ko, mga 6 inches lang yung haba ng butas ng bintana. Kabad trip! Pag huminto ang init talaga sa jeep! Gamunggong pawis na ang noo ko. Di ako nagiisa na naiinitan, pinagmasdan ko ang mga kasabay ko sa jeep. Hala, paypayan ng paypayan. Kasarap talaga sa jeep! Kasarap ng atmosphere, ambience and whatever.. papasok ng school. Pawis na. Para na nga tumakbo sa oval ng isang beses. Kaka dyahe diba?

No comments: