Saturday, August 27, 2011

Pagkabigo at Pagbangon


Muling nagsusulat dahil walang magawa, upang patayin ang kainipan, para gawing produktibo ang sarili at para lumawak ang nalalaman.
Di naman ako napipilitan, talagang dapat lang malaman ang mga di alam sa sarili, mga tagong liriko sa aking utak. San ba ako magsisimula, wala akong topic, sige hayaan ko nalang ang ball pen gumawa ng storya.

Minsan naiisip natin, bakit nagkaganito, ang alin?: Ang buhay. Mga katagang “sayang, sana di nalang” “sana di ganito ginawa ko” “sana… sana… sana…
Ang daming bagay sa buhay natin ang gusto natin baguhin, balikan ang nakaraan, itama ang mga maling nagawa. Ituwid ang tama sa mali. Magsimula at iwasto/iwasan ang pagkakamali.

Sa buhay, dami nating pagsisisi. Pero din a mababalik ang oras, ang nagawa ay nagawa na. Wala na tayong magagawa pa. Harapin nalang ang konsikwensya ng ginawang pagkakamali. Pero, may isa pang bagay pa na magagawa tayo: Ituloy ang buhay at gamiting ang pagkakamali ng nakaraan bilang sandata sa hinaharap. Maging leksyon ang pagkakamali at iwasan na to na mangyari pa sa hinaharap. Ang kalungkutan, depresyon at negatibong pananaw ay natural lang na mangyari pero panandalian lamang, wag itong patagalin! Pwede tong maging sanhi ng pagkabigo ng tao

Naisulat ko lang dahil naranasan ko na din mabigo at muling bumangon. Sana napulutan nyo din to ng aral kahit papaano. Haha

Monday, July 18, 2011

Mini Mini May Ni mo?

    Pansin ko lang, masyado na kasing trending tong topic na to: Bakit ang babaeng naka miniskirt/shorts, tapos titignan mo sila dahil nga kapansin pansin sila sa outfit nila dahil kita legs nila, eh usually ginagawa nila ay hinahatak pababa at nagbabakasakaling pahabain yung suot nila?
Minis nga diba? Hello?
     Masyado nang sikat tong topic na ito at nabigyan ko ng attention para maipaliwanag sa iba at sa sarili ko kung bakit nga ba nangyayari ang bagay na ito.
Takaw mata talaga sa publiko ang nagsusuot ng minis, lalo na sa mga sexy at may magagandang hubog ng legs. Hindi pwedeng di titignan ito, parang general rule na kasi na mapalingon ang mga lalake sa mga naka minis. At kasunod na nun ay parang magagalit or maiilang yung girl kasi tinitignan mo siya:


Problems:
Well, 1st sa lahat, nagsuot ka ng minis in public so expect na pagtitinginan ka.
2nd, Sadyang maiksi ang tela ng minis kaya kahit anong hatak mo dyan, di yan hahaba. Dapat hindi yan ang sinuot mo kung gusto mo ng mahaba.
3rd. Kung di ka komportable or ayaw mo na may titingin sa makinis mong legs kasi naiilang ka, PAKIUSAP! wag ka magsuot nyan. Magmumukha lang manyak sa paningin mo ang mga lalakeng napapatingin sayo.


    Hindi sa sinasabi ko na wag ka na magsuot nyang minis, pero may binabagayan yan, na lugar, personality, at ng tao mismo.
Oo nga pala, women like to be admired.
  • Lugar- Paulit ulit ko ng nasabi, takaw mata talaga yang minis. Kung ayaw mo pagtinginan, wag ka magsuot nyan in public places. Dun ka sa parties, sa bahay nyo. 
  • Personality- Sa pananaw ko, ang mga nagsusuot ng minis ay yung may matataas na self confidence. Carry nila sila nila. Sa tingin ko din, para din to sa mga gusto din tumaas ang self esteem. Para ma practice nilang dalin ang sarili nila.
  • Tao mismo- May binabagayan ang pagsusuot nito. Di yung natripan mo lang, isusuot mo na, magmumukha ka lang suman. Para sa akin, bagay to sa mga long legged. Ewan ko lang kung sino di mapapatingin, lalo na kung maputi at makinis. ULAM! Eh kung mataba ka o madaming peklat, PARANG awa mo na WAG ka mang umay ng ibang tao. Iba nalang isuot mo.
      At eto pa ang talagang mas mabigat na problema. Ang mga audience. Ang mga tumitingin sa legs ng babae. Yung iba naman kasi, napaka laswa kung tumingin, na parang monster na kakainin na yung legs ng babae sa tingin nya. Talagang ma co conscious ang babae nun.
     Madalas ako makakita ng ganitong mga eksena, isang beses sa isang LRT papuntang Gil Puyat. Si kuya(construction worker look) ay kung makatingin kay ate ay SCARY talaga. Hindi ako yung tinitignan pero ako yung natatakot, natatakot ako sa tingin nya kay ate. Parang nanlilisik eh. Ako aminado ako napapatingin din ako, pero sakto lang at di pa obvious, eh kasi naman tunay na maganda si ate at ang legs nyang pamatay, sobrang puti at kinis. At sobrang iksi ng suot nyang mini skirt. Konting galaw makikita na ata yung panty. haha

     Papaputol ako ng kamay pag may nagsabing walang taong manyak. Lahat tayo ay MANYAK! MALIBOG! Iba iba lang ang level ng nito sa isa't isa. 
Nati trigger to lalo na pag may nakikitang katakam takam sa paningin, at nakakabuhay sa dugo. Mapapansin mo ang ibat ibang level ng kamanyakan sa simpleng paglingon sa babaeng naka minis. Yung pa simple tumingin(low level) at scary tumingin (high level).
     Minsan pinagsisimulan ng krimen ang simpleng bagay na to, katulad na nga ng Rape. Gaya nga ng nasabi ko, iba iba nga ang level ng kamanyakan ng isang tao, kaya iba iba din ang pwedeng magawa nito. Ultra high level with over up equips ang mga nakakagawa nito. Nagagawa nila ito dahil sa simpleng nakakakita ng babaeng naka minis. Di nila mapigilan ang sarili sa nakikitang kagandahan ni ate at sa puntong gusto na nila angkinin ito. Rape


   Di natin dapat ipagwalang bahala ang ganitong bagay, lalo na sa mga babae. Broad ang usapan na ito, madami kasi nag iisip na simple lang ito, pero hindi. Madami pwedeng mangyari dahil sa simpleng pag susuot ng minis.
     Para sa mga babae: Paulit ulit ko na nasabi, takaw mata talaga yang sinusuot nyong minis. Kung di maiiwasan, wag mag gala mag isa. Siguraduhing ligtas lalo na sa gabi, ng di mabastos at mapahamak
     Para sa mga lalake: Oo di maiiwasan ang pagtingin, normal na yan. Pero sana naman gawin ito with DISCRETION. Okay lang tumingin, pero wag naman yung lustful na tingin na parang gusto mo ng kainin at dilaan yung magadang legs ni ate.


Lahat ng bagay may binabagayan, kaya dapat matuto tayong makibagay, para maging kabagay bagay tayo sa mata ng tao



Sunday, July 17, 2011

Ang aking mga "Kaibigan"

Kaibigan, madami ako nyan. Iba't ibang uri: may good friends, meron din naman na bad friends. Nais kong pakilala sa inyo ang isa kong kaibigan, si Pagsusulat. Si Pagsusulat ay isa sa aking mga not that close friend, pero tunay at subok na maasahan. Dumarating siya sa mga oras na wala na talaga akong magawa. Imbis na sumama ako sa iba kong mga kaibigan na sila Gastos, lakwacha, ay hinihikayat parin ako ni Pagsusulat na sumama sa kanya. Pero itong si pagsusulat ay tunay na nakakaantok. Eto na nga habang sinusulat ko to ay tinatawag na ako ni Tulog, isa ko ding kaibigan. Minsan din ay tinatawag din ako ni katamaran para wag maki bonding kay pagsusulat, pero may mga pagkakataon talaga na kay katamaran ako sumasama. Nakakalungkot sa side ni pagsulat, pero wala siya magagawa, kaibigan lang niya ako.


Pero itong si pagsusulat ay malaking ehemplo talaga sa buhay ko. Dahil sa kanya ay nalalabas ko ang aking mga nararamdaman, maging bukas sa realidad ng mundo, maging bukas mata sa mga nangyayari, at madami pang magandang bagay na nakatulong sa buhay ko. Pero itong si sulat ay medyo mahina pa sa akin, mabagal, at lagi nalang siya nauunahan nina Laro, Gastos, katamaran, at kung sino sino pa. Pero sana mas maging close pa kami ni Pagsusulat, at ng iba pa nyang mga tropa na sina Aral, Sipag, at tyaga.

Tunay na pagbabalik

Lagi ko nalang sinasabi ito: Pagbabalik. Pero tingin ko, eto na talaga ang tunay. Ewan ko ba kung bakit ako nagbalik pa sa pag boblog. Siguro dahil sa libangan ko na talaga ang pagsusulat, masarap lang talaga mag express. I really started last, I think way back 2007. Binasa ko lang uli mga dating post ko at ginanahan uli ako mag blog. Now, gagawin ko na to as a hobby. Kahit konti lang magbasa, okay lang.


At sa tingin ko sa panahon ngayon, kelangan ko talaga ang blogging. Dagdag bawas. Bawasan ang mga bad habits, at dagdagan ng maganda(blogging). Through blogging, I think it can help me improve my writing and reading skills which are not my typical habits. Kailangan ko talaga to, lalo na at loner na ko sa panahon ngayon. Magsusulat nalang ako at magbabasa :)

Kahit huminto ako sa pag boblog, nagsusulat parin ako. Hindi na mawawala sakin yun, natural na sakin ang magsulat. Lalo na pag walang magawa. Mas okay kung iboblog ko nalang uli mga naisulat ko, dali pa makita at mabasa muli. Sarap ng ganung feeling.
Expect more from me, ganadong ganado ako mag post. Dami thoughts sa utak ko, at kelangan ko mga reactions nyo. Topics? Anything under the sun. Walang definite topics. Personal experiences at mga nakikita ko nalang. Magsusulat nalang ako kahit ano.

Nabasa ko lang just now: One blogger said,"Blogging is to express not to impress", Big check for this.

Wednesday, November 10, 2010

Bumawi ang Waiter


Freestyle to, hindi ko sinulat sa papel. Kasi mostly talaga mga entries ko sinusulat ko muna, para syempre ma edit ko muna. Pero this time wag na, kasi 1 week na din ang nakaraan ng nangyari to at minamadali na ko at gusto na daw nya mabasa ito.

Itong kasama kong to ay isa sa mga matatalik ko na kaibigan, bestfriend nya ko siguro ituring. Pero ganun lang talaga ako once naging kaibigan TALAGA mo na talaga ako ituturing mo na akong bestfriend. Ganun ako kabait na kaibigan. Oh siya tama na ang yabang, kkwento ko na ang pangyayaring ito.

   Napagpasayahan namin magkita sa sm southmall. 5pm ang napagusapan. Inisip ko sa sarili ko, late na naman to. Kaya ginawa ko nagpalate nalang ako. 5:30 ako dumating. Naalala ko Taena wala nga pala siya load, wala pa siya. Nag antay nalang ako sa malapit sa fountain kasi yun talaga ung meeting place. Kala ko saktong oras lang ako dumating pero, 1 hour ako nag intay. Mabilis pa naman ako mainip, at wala siya load, wala ako pantawag. Para ako nagiintay sa wala. Kumain nalang ako ng scramble para may magawa lang. 

   After 1 hour nagkasalubong nalang kami sa mall, wala kasi cya load. Hulaan nalang kung nasaan cya. Thank God at nagkita na kami. To make the long story short eto na:
Take note: May pagka magaslaw itong kaibigan ko na to, madami cya kwento sakin na kumupit daw cya ng cotton candy sa story land, kumupit ng sweet corn, kumupit sa candy corner. May mga pagkakataon na fail siya, meron naman nakakakuha siya. At eto ang maganda di siya nahuhuli. Bilang kaibigan siyempre pinapayuhan ko siya na wag nya gawin un kasi bad nga naman at pag nahuli, siya ang kawawa.At eto pa, di nakinig sa payo ko at Gusto pang umulit. Ang lupit!!

  Napagpasyahan namin na kumain sa kfc. Mas mahal pa inorder nya sakin. LOL! Ako wow steak lang siya ung combo pa. haha pero ayos lang.Kulang ung order nya ng hot shots. At yun nga wait kumain na kami habag waiting dun sa hotshot. Sarap kumain kasi malamig at nakatapat ung electric fan samin. Lamig! At eto na dumating na si waiter na may dalang dalawang uri ng hotshot, isang regular size at isang Up size. "eto na po order nyo na hotshot sir". At eto namang kaibigan ko na may pagka magancho ay kinuha ung Up size na hotshot, pero ung amin talaga is ung regular size lang. Wala akong alam sa pangyayari kasi di ko naman alam kung anong size un eh. (di ako mahilig kumain ng hotshots sa kfc) Etong kaibigan ko na to, kinuha nga ung Up size na di naman pala samin at binuhos sa kanin! wala parin ako alam, nag eenjoy lang sa pagkain. Yun umalis na ung waiter. Kain lang kami then maya maya may 2 waiter na dumating at sinabing "mali po ung nakuhang hotshots, ung malaki po nakuha, maliit lang po dapat ung sa inyo." At eto na ang inyong lingkod bumanat: "eh bakit hindi mo agad sinabi? Dapat sinaway mo agad!" Isusumbat ko na dapat na tawagin nyo manager nyo kasi nakaka agrabyado kayo ng costumer ng bigla nalang silang umalis. Babanatan ko na sana ng mga malulupit na linya na:
*Tawagin nyo manager nyo, di ako nakikipag usap sa waiter!

*Pwede naman natin daanin sa legal na paraan, tawagan ko lang Abugado kong tatay, teka lang
*Wait lang tawagin ko lang tatay ko na taga nbi. Di ko feel makipag usap sa inyo.

Mga linyang kupas na pero para sakin effective, kkwento ko nalang next time kung san ko nagamit ang mga linya na yan at gaano ka effective.

 Ito namang kasama ko walang paki alam, ng refill pa ng gravy. Yun kain ulit, ng napansin kong may papalapit na cashier na may hawak nag 2 set ng hotshot, big at small ulit. Bago pa siya nakalapit ay pinagsalitaan ko na agad na its your waiter's fault, hindi kami." Haha! natawa nalang ako sa sarili kasi nag sorry pa siya, di pa cya nakakalapit nun. Haha nice talaga, okay talaga minsan na matapang ka, para di ka na mamaliit ng kapwa mo. 

 Sa mga waiter naman, Bawas sweldo bawas sweldo! ayusin ang trabaho, wag tatanga tanga. Dapat ikaw ang magbibigay ng order at di costumer ang kukuha, kasalanan mo na din un kasi di mo agad pinigil AT umalis ka pa agad. TSK!
Un happy eating naman, enjoy sa nangyari. Habang nagkukwentuhan ay napasin kong nilayo nung napahiyang waiter ang electric fan na nakatutok samin, nilayo ng derection ng hangin.Naisip isip ako, "Bawi nalang to ng waiter sa mga bawas sweldong mangyayari sa kanya."

Saturday, October 30, 2010

Nagbabalik

Ewan ko ba kung bakit ako nagbabalik, wala lang siguro ako magawa. Pero iba talaga ang pagsusulat. Minsan pag nasa bahay lang ako at nag lalaptop, wala mabilis na ako ma bored. Depende parin sa ginagawa sympre, pero pag wala na talaga magawa minsan naiisip kong magsulat nalang. At eto ang kinahinatnan, after ng 1 week na pag iisip, ako ay magbabalik sa pag susulat ng blog. Gagawin ko tong libangan sa darating na sem.

Friday, May 22, 2009

Pasukan na naman!



pasukan na naman!
oh kay tulin ng araw
pasukan na naman!
blah blah prang kailan lang!

uy napakanta siya!
weh! lapit na pasukan. Tapos na maliligayang araw ng mga estudyante.
kakatamad pumasok. Masarap lang sa bahay, matulog, magala, etc.
walang assignment, project, lecture. Walang cramming
pero sa mga boring ang buhay dyan, gusto nila pumasok kasi walang magawa sa bahay. Nababato.
sa iba naman gusto na pumasok para magkapera. May baon, may gala, may ipon.

nabasa ko ito sa isang txt message. pero sige share ko:
ang ating mga magulang, gumagapang sa paghahanap ng pera
para sa pag aaral natin.
samantala ang anak gumagapang sa kalasingan, pagbabarkada, lakwatsa at iba pa
ung iba pa nga, nang gagapang, ginagapang at nagpapagapang..

tamaan sapul!!

Wednesday, April 1, 2009

Yeah its my Birthday! =)

haha! yeah its my birthday today.. medyo konti bumati kaysa sa last year
pero ok lang masaya naman ako.. kahit papaano naalala nila ang mahalagang araw
sa aking buhay.. haha! =)

19 na poh ako.. di ko alam kung pano sisimulan ang bagong taon na ito na binigay ni Lord para sa akin! =) sa nakaraang taon naging masaya naman ako sa mga nangyari sa aking buhay.. marami akong pinagpasalamat.. sana sa taong ito ay mas maging mas makabuluhan at mas challenging ang buhay para sa akin... haha! =)

sana may mag regalo sa akin.. di pa naman huli para ako ay tumanggap.. haha! =)
any time tatangapin ko.. haha! =)

Monday, March 23, 2009

muntik na akong mamatay...

yeah its true. Muntik na ako mamatay last friday March 20, 2009.
Muntik na kasi mabanga ng sobra yung sinasakyan kong van pauwi. Kung bumangga yun panigurado dugo mukha namin ng kaklase ko. haha! Siya kabadong kabado, ako natawa lang.. haha! kung sumalpok yun my malapit na hosptal dun. mga wla pang 1km ung hospital. May pagkakataon pang mabuhay!
Ginawa bang laugh trip ang accident. haha!

meron pang isang bagay na nagpakaba sa amin ng kaklase ko. Actually siya lang. Kasi sa madilim na daang hari ay pinara ng dalawang mukhang holdapper na tao yung van. Kahinala hinala kasi mga itsura. Parang yung mga nakikita sa mga pelikula, goons kumbaga.. haha! ayun basta pumara sila sa madilim na parte ng daanghari na wala naman talaga napara dun sa tagal ko ng sumasakay ng van. Akala na namin holdap, buti nalang hindi. As usual natawa nalang ako.. hahaha!

pero salamat kay Bro, walang nangyaring masama sa akin, at sa mga kasama ko sa van.

Sunday, February 8, 2009

Ang Puno


ito ay isang puno
at ang ganda ng puno noh!
at ang taas pa





dyan kita bibigtiin pag di ka nag leave ng comment sakin!!!

ngayon pili ka... BITAY O COMMENT??! MAMILI KA?! hahaha!

Sunday, February 1, 2009

Strong People

Madaming pangyayari sa buhay ng tao. May magandang pangyayari, meron ding di kagandahan. Nasa tao nay an kung pano ihahandle and mga sitwasyon na ito.

Kung ang tao ba ay tatag sa nga sitwasyon na ito, o ang tao ay magpapatalo?

Sa dami ng kaibigan ko, sila ay unti unti kong nababasa ang pagkatao. Madami akong nalalaman.

Totoo nga yung sabi sabi na “strong people” ay yung may mga worst problems, worst trials, worst situations, worst experiences. Strong sila kasi sa kabila ng lahat ay kinakaya nila ito. Idol sila. Naku nalang, kung siguro sa ibang tao napunta ang mga ganyang sitwasyon sa buhay ay ikamamatay nila or ikababaliw ito.. tsk

Di naman ginusto ni God na mag suffer ang mga strong people. Binigay ito ni God dahil alam nya na kaya nila lagpasan lahat ng ito. At dyan nahuhubog ang pagkatao ng isang tao. Saludo ako sa mga “strong people” na ito. Sila yung mga masarap kausap, sarap samahan, di ka mabobored. Mabibigyan ka pa ng mga advice.

Totoong tao kung maituturing

Pasalamat tayo kay God sa mga trials na dumadating sa ating buhay. Pasimpleng gift nya sa atin to, para tayo ay maging “strong people”

Use life Wisely

Its not important how a man dies, but what matter most is how he live and use his life.

Paano mo ginamit ang iyong buhay.

The true value of life lies not in the number of days you live, but in what we make of them. A man may live long enough yet get little from life.

What I mean is, they live long enough but finds discontentment in life.

Whether you find satisfaction doesn’t depend on tale of years but on your own will

So use your life wisely!

Thursday, January 8, 2009

Masaya mag-isa
Masarap pag may kasama...

ahi

Sunday, January 4, 2009

Blog Under Construction

UNDER CONSTRUCTION...

waa kapagod na gabi, ay umaga na pala.. 3:00am na

under construction! hope will finish this tomorrow!

Use life

Its not important how a man dies, but what matter most is how he live and use his life.

Paano mo ginamit ang iyong buhay.

The true value of life lies not in the number of days you live, but in what we make of them. A man may live long enough yet get little from life.

What I mean is, they live long enough but finds discontentment in life.

Whether you find satisfaction doesn’t depend on tale of years but on your own will

So use your life wisely!

Friday, January 2, 2009

Shrek



Nakapanood ako ng shrek nung isang gabi. Nakakatuwa. Nakakatawa. Pag pinanood mo ng maigi, mas maiintindihan mo ang movie.
It differs from other fictional characters because the main characters are ugly.. haha! Unlike on typical animation films, where the main characters are cute and got the face and looks near to perfection.

I got this from a cute text message and added something, reflect from this:
In love, who will you choose? A prince charming who will bring you to his castle and dance all night with you, but would allow you to leave when the clock strikes 12.

Another prince charming who will just kiss you because you are such a beautiful girl, adorable and pretty? Who will steal a kiss because you are on a deep sleep?

Spiderman, who will give you the sweetest kiss and vanishes for all time without knowing his real identity.

Another prince charming. Which will use your hair just to reach you on the top of the tower? Don’t hurt, there are other ways to reach the top.

So be like Jeace, choose me
Not perfect but real.. haha

Yun ang banat! Haha! =)


Monday, December 29, 2008

Bagong simula

susubukan ko na magpost ng English..

Ill try to post my blog entries in English.. nyaha!

aun, sana suportahan nyo parin ako... ahekz

waaah.. puro love nalang ata tema ng blog kong ito!
haha cge ibahin ko naman kahit papaano!

Friday, December 26, 2008

Magic?? walang ganun

ang love daw parang magic,basta basta nalang andyan.. di mo maipaliwanag. basta magic..

sino nagsabi nyan?? kung matalino ka talaga at may alam sa buhay. Di totoo yang magic magic na yan sa pag ibig! meron, tricks.. pero di magic.. kalokohan ang magic.. tricks kasi pinaglalaruan ka nito..

sabi ni Bo Sanchez(sino sya??) ang pagibig eh di dumarating basta-basta. di raw totoo yung magic na kung tawagin ay love at first sight. katarantaduhan yun. haha! Masasabing may tunay na love pag nagmamahalan kayo kahit sa kabila lahat ng kabadtripan nyong lovers eh nakakagawa parin ng mga bagay na importante at komplikadong desisyon para sa inyong dalawa.

May kilala ka bang magician?

Lagi akong nakakakita ng clown sa mga children’s party. Nung bata pa ako, paniwalang paniwala ako sa mga “magic” nila. Ngayong malaki na ako, syempre alam ko na ang totoo. Todo masid ako as clown, at nakikita mo agad nag tricks sa ginagawa nya.

Nakakaaliw nga pero, may kapintasan parin.

Magic magic.. di totoo yan.. tricks meron.

Yun ang mahirap pag masyadong malikot ang mata at mapagmasid. Mas nakikita ang panget at echa pwera ang maganda. Para ngang sa tricks, mas bigat atensyon sa paghuling daya kaysa sa ginagawang pang aaliw ng magician. Yun ang mahirap, pag mas umiral ang pagiging rasyonal ng utak kaysa sa pagiging batang isip.

Lalo na pagdating sa pagibig. Mahirap pag lahat ng ginagawa ay tama tapos todo iwas sa pagkakamali. Kasi ayaw ngang magkamali at mawalan. Kaya sa sobrang pag iwas at pag iingat, minsan nalalampasan natin ang pagkakataon na sumaya at mag enjoy..

Pero minsan ang sarap kumawala sa sistema. Lalo na kung may konting pagkakataon. Yung mag break ng konting rules. di ba minsan masarap bumirit ng 90 sa freeway kahit 60 lang ang limit.. masarap minsan ang kumain ng junk foods at chocolates kahit nagda-diet ka.. aminin mo, masarap din tumikim ng ibang ulam. Lalo na kung medyo sawa ka na sa paulit ulit na ulam.. aminin mo, masarap magka “mini relation” kahit may bf/gf ka na. konting deviance ba, masarap di ba?

pero minsan, nasosobrahan na ang pagsuway sa sistema. yun bang sa sobrang pagbibigay ng kaligayahan eh may nasasaktan ka na.. magugulat ka na lang, nakakalimutan na ang ilang importanteng bagay sa inyo, monthsary nyo pala. Nakalimutan na. hanggang sa malilito ka na.. ganyan ang pagibig eh, masarap sa simula, pero nakakaadik, mahirap pakawalan..pero anung gagawin mo?

kung matalino ka at biniyayaan ka ng panginoon ng matinong pagiisip, mabuting puso at kalooban, ibabalik din ang lahat sa tama. Babagsak at babagsak parin sa pinakasikat na rivalry ng mundo.. utak ba o puso?

nasa iyo parin ang desisyon., wala naman talagang definite na theory tungkol sa love eh.. kanya kanya lang yan.. Walang love 100 na score sa subject na katulad sa school. Walang template na dapat sundan. Walang tour guide na mag guiguide sa inyo. Kanya kanya lang kung pano ka magmamahal. Ang mahalaga ay kung pano ka magdedesisyon para sa sarili at para sa mahal mo. Nakakaloko talaga ang pag ibig. Lalo na pag hindi ka pa handa. Buti nalang ako handa. haha

Rush


Ang love, di yan minamadali. Pag minadali mo yan, you may end up na, nasaktan, naloko or di effective. Trust me! Meron akong mga kilala na ganyan ang nangyari. Dapat kasi kilalanin muna maigi. Wag magmadali. Why rush?? Diba. Rush, meron ka ngang love, pero kalimitan It will end up na di effective. Sayang din.

Di natin kailangan minamadali ang mga bagay bagay. Matutulad yan sa building na minadali na gawin. Marupok, mahina.. Isang lindol lang.. Wasak agad

Pero kung nagtyaga at naghintay ng tamang timing. Ito ay parang building na pinagplanuhan ng maigi, complete ang materials, matatag ang pondasyon. Kahit ilang lindol pa ang dumaan, di ito masisira.. parang ako. (haha!)

Sabi nga eh, di dapat minamadali. Pag may mangyayari, may mangyayari. Wait intay intay kalang.

Darating yan, sa tamang panahon, sa tamang tao at pinakabest na dahilan..

Pag nangyari yan.. kahit ilang trials pa ang dumating, makakayanan yan. Lalo pa itong magpapatibay

Panaginip lang pala


Ang sarap ng pakiramdam ng kasama mo yung taong pinakagusto mo sa buong mundo. Yung bang ultimate crush or mas maganda, yung taong pinakamamahal mo.

Makasama palang eh ang sarap sarap na talaga. Yung tipong kada segundo ay maitatago mo na sa baol ng kaligayahan. Mga ngiting abot hanggang teng, di maipaliwanag na pakiramdam, mabilis ang pagtibok ng puso. Aba.. eto na siguro ang tinatawag na.. “Love”

Simula pa lang yan.. ikaw at ang kasama mong mahal ay nangakong magmamahalan habang buhay at magpakailanman. Maalala mo kaya. Lahat ng moments ay puno ng pagmamahalan, walang bahid ng kung anong makakasama sa relasyon. Hay, kay sarap na malaman na kayo ay poreber na.. =)

Pero.. hmmm.. yan na nga ang pinaka best na part ng PANAGINIP.. the best ang panaginip na ito.. sana mangyari nga sa totoong buhay.

Pero.. hmmm.. ang pinakamalungkot ng part eng panaginip na ito ay ang pag gising.. hay, panaginip lang pala.. Sana di na nga nagising..