Muling nagsusulat dahil walang magawa, upang patayin ang kainipan, para gawing produktibo ang sarili at para lumawak ang nalalaman.
Di naman ako napipilitan, talagang dapat lang malaman ang mga di alam sa sarili, mga tagong liriko sa aking utak. San ba ako magsisimula, wala akong topic, sige hayaan ko nalang ang ball pen gumawa ng storya.
Minsan naiisip natin, bakit nagkaganito, ang alin?: Ang buhay. Mga katagang “sayang, sana di nalang” “sana di ganito ginawa ko” “sana… sana… sana…
Ang daming bagay sa buhay natin ang gusto natin baguhin, balikan ang nakaraan, itama ang mga maling nagawa. Ituwid ang tama sa mali. Magsimula at iwasto/iwasan ang pagkakamali.
Sa buhay, dami nating pagsisisi. Pero din a mababalik ang oras, ang nagawa ay nagawa na. Wala na tayong magagawa pa. Harapin nalang ang konsikwensya ng ginawang pagkakamali. Pero, may isa pang bagay pa na magagawa tayo: Ituloy ang buhay at gamiting ang pagkakamali ng nakaraan bilang sandata sa hinaharap. Maging leksyon ang pagkakamali at iwasan na to na mangyari pa sa hinaharap. Ang kalungkutan, depresyon at negatibong pananaw ay natural lang na mangyari pero panandalian lamang, wag itong patagalin! Pwede tong maging sanhi ng pagkabigo ng tao
Naisulat ko lang dahil naranasan ko na din mabigo at muling bumangon. Sana napulutan nyo din to ng aral kahit papaano. Haha
No comments:
Post a Comment