ang love daw parang magic,basta basta nalang andyan.. di mo maipaliwanag. basta magic..
sino nagsabi nyan?? kung matalino ka talaga at may alam sa buhay. Di totoo yang magic magic na yan sa pag ibig! meron, tricks.. pero di magic.. kalokohan ang magic.. tricks kasi pinaglalaruan ka nito..
sabi ni Bo Sanchez(sino sya??) ang pagibig eh di dumarating basta-basta. di raw totoo yung magic na kung tawagin ay love at first sight. katarantaduhan yun. haha! Masasabing may tunay na love pag nagmamahalan kayo kahit sa kabila lahat ng kabadtripan nyong lovers eh nakakagawa parin ng mga bagay na importante at komplikadong desisyon para sa inyong dalawa.
May kilala ka bang magician?
Lagi akong nakakakita ng clown sa mga children’s party. Nung bata pa ako, paniwalang paniwala ako sa mga “magic” nila. Ngayong malaki na ako, syempre alam ko na ang totoo. Todo masid ako as clown, at nakikita mo agad nag tricks sa ginagawa nya.
Nakakaaliw nga pero, may kapintasan parin.
Magic magic.. di totoo yan.. tricks meron.
Yun ang mahirap pag masyadong malikot ang mata at mapagmasid. Mas nakikita ang panget at echa pwera ang maganda. Para ngang sa tricks, mas bigat atensyon sa paghuling daya kaysa sa ginagawang pang aaliw ng magician. Yun ang mahirap, pag mas umiral ang pagiging rasyonal ng utak kaysa sa pagiging batang isip.
Lalo na pagdating sa pagibig. Mahirap pag lahat ng ginagawa ay tama tapos todo iwas sa pagkakamali. Kasi ayaw ngang magkamali at mawalan. Kaya sa sobrang pag iwas at pag iingat, minsan nalalampasan natin ang pagkakataon na sumaya at mag enjoy..
Pero minsan ang sarap kumawala sa sistema. Lalo na kung may konting pagkakataon. Yung mag break ng konting rules. di ba minsan masarap bumirit ng 90 sa freeway kahit 60 lang ang limit.. masarap minsan ang kumain ng junk foods at chocolates kahit nagda-diet ka.. aminin mo, masarap din tumikim ng ibang ulam. Lalo na kung medyo sawa ka na sa paulit ulit na ulam.. aminin mo, masarap magka “mini relation” kahit may bf/gf ka na. konting deviance ba, masarap di ba?
pero minsan, nasosobrahan na ang pagsuway sa sistema. yun bang sa sobrang pagbibigay ng kaligayahan eh may nasasaktan ka na.. magugulat ka na lang, nakakalimutan na ang ilang importanteng bagay sa inyo, monthsary nyo pala. Nakalimutan na. hanggang sa malilito ka na.. ganyan ang pagibig eh, masarap sa simula, pero nakakaadik, mahirap pakawalan..pero anung gagawin mo?
kung matalino ka at biniyayaan ka ng panginoon ng matinong pagiisip, mabuting puso at kalooban, ibabalik din ang lahat sa tama. Babagsak at babagsak parin sa pinakasikat na rivalry ng mundo.. utak ba o puso?
nasa iyo parin ang desisyon., wala naman talagang definite na theory tungkol sa love eh.. kanya kanya lang yan.. Walang love 100 na score sa subject na katulad sa school. Walang template na dapat sundan. Walang tour guide na mag guiguide sa inyo. Kanya kanya lang kung pano ka magmamahal. Ang mahalaga ay kung pano ka magdedesisyon para sa sarili at para sa mahal mo. Nakakaloko talaga ang pag ibig. Lalo na pag hindi ka pa handa. Buti nalang ako handa. haha
4 comments:
masaya ang "little defiance" haha!
walang magawa comment sa sarili
can you email me: mcbratz-girl@hotmail.co.uk, i have some question wanna ask you.thanks
ahahaha....nice topic...based on experience?XD meron akong kilalang magician...ung mage ko...XD well...ako kc nani2wla s magic eh...pero d magic n as in s clown...more on himala b....ahaha...lht ng bgy himala...khit ako 1ng himala(nora aunor?XD)...ikaw himala...ang pagiging frend ntin himala...biruin mo tga naic ako, ikaw muntinglupa...ngkakilala s dasma...nging kaibigan ang 1 s tga byan ng dasma, ung 1 s fatima, ung cavite city, 1 s zapote, ung 1 s well d ko n lam kung san cna danjo eh...XD bsta 1ng himala ang lhat^^
Hi, Saw that you mentioned "Bo Sanchez"if so - you might be interested to reserve your Nov 28-29, 2009 for a chance to hear him live/see him/have your books signed at the Araneta Coliseum for the once in a lifetime event "Dream Big, Win Big".
It's a big learning event about "dreaming big in your life and using your core gifts to follow your dream". Yes it's a catholic event, there's mass and worship but there's also a lot of singing and dancing and comedy as well as the huge message on big dreams. See you or your friends there!
Thanks
Ana
Conference Details at http://www.kerygmaconference.com
Make sure you're subscribed to Bo's Blog and Newsletter: http://www.bosanchez.ph
Post a Comment