Monday, July 18, 2011

Mini Mini May Ni mo?

    Pansin ko lang, masyado na kasing trending tong topic na to: Bakit ang babaeng naka miniskirt/shorts, tapos titignan mo sila dahil nga kapansin pansin sila sa outfit nila dahil kita legs nila, eh usually ginagawa nila ay hinahatak pababa at nagbabakasakaling pahabain yung suot nila?
Minis nga diba? Hello?
     Masyado nang sikat tong topic na ito at nabigyan ko ng attention para maipaliwanag sa iba at sa sarili ko kung bakit nga ba nangyayari ang bagay na ito.
Takaw mata talaga sa publiko ang nagsusuot ng minis, lalo na sa mga sexy at may magagandang hubog ng legs. Hindi pwedeng di titignan ito, parang general rule na kasi na mapalingon ang mga lalake sa mga naka minis. At kasunod na nun ay parang magagalit or maiilang yung girl kasi tinitignan mo siya:


Problems:
Well, 1st sa lahat, nagsuot ka ng minis in public so expect na pagtitinginan ka.
2nd, Sadyang maiksi ang tela ng minis kaya kahit anong hatak mo dyan, di yan hahaba. Dapat hindi yan ang sinuot mo kung gusto mo ng mahaba.
3rd. Kung di ka komportable or ayaw mo na may titingin sa makinis mong legs kasi naiilang ka, PAKIUSAP! wag ka magsuot nyan. Magmumukha lang manyak sa paningin mo ang mga lalakeng napapatingin sayo.


    Hindi sa sinasabi ko na wag ka na magsuot nyang minis, pero may binabagayan yan, na lugar, personality, at ng tao mismo.
Oo nga pala, women like to be admired.
  • Lugar- Paulit ulit ko ng nasabi, takaw mata talaga yang minis. Kung ayaw mo pagtinginan, wag ka magsuot nyan in public places. Dun ka sa parties, sa bahay nyo. 
  • Personality- Sa pananaw ko, ang mga nagsusuot ng minis ay yung may matataas na self confidence. Carry nila sila nila. Sa tingin ko din, para din to sa mga gusto din tumaas ang self esteem. Para ma practice nilang dalin ang sarili nila.
  • Tao mismo- May binabagayan ang pagsusuot nito. Di yung natripan mo lang, isusuot mo na, magmumukha ka lang suman. Para sa akin, bagay to sa mga long legged. Ewan ko lang kung sino di mapapatingin, lalo na kung maputi at makinis. ULAM! Eh kung mataba ka o madaming peklat, PARANG awa mo na WAG ka mang umay ng ibang tao. Iba nalang isuot mo.
      At eto pa ang talagang mas mabigat na problema. Ang mga audience. Ang mga tumitingin sa legs ng babae. Yung iba naman kasi, napaka laswa kung tumingin, na parang monster na kakainin na yung legs ng babae sa tingin nya. Talagang ma co conscious ang babae nun.
     Madalas ako makakita ng ganitong mga eksena, isang beses sa isang LRT papuntang Gil Puyat. Si kuya(construction worker look) ay kung makatingin kay ate ay SCARY talaga. Hindi ako yung tinitignan pero ako yung natatakot, natatakot ako sa tingin nya kay ate. Parang nanlilisik eh. Ako aminado ako napapatingin din ako, pero sakto lang at di pa obvious, eh kasi naman tunay na maganda si ate at ang legs nyang pamatay, sobrang puti at kinis. At sobrang iksi ng suot nyang mini skirt. Konting galaw makikita na ata yung panty. haha

     Papaputol ako ng kamay pag may nagsabing walang taong manyak. Lahat tayo ay MANYAK! MALIBOG! Iba iba lang ang level ng nito sa isa't isa. 
Nati trigger to lalo na pag may nakikitang katakam takam sa paningin, at nakakabuhay sa dugo. Mapapansin mo ang ibat ibang level ng kamanyakan sa simpleng paglingon sa babaeng naka minis. Yung pa simple tumingin(low level) at scary tumingin (high level).
     Minsan pinagsisimulan ng krimen ang simpleng bagay na to, katulad na nga ng Rape. Gaya nga ng nasabi ko, iba iba nga ang level ng kamanyakan ng isang tao, kaya iba iba din ang pwedeng magawa nito. Ultra high level with over up equips ang mga nakakagawa nito. Nagagawa nila ito dahil sa simpleng nakakakita ng babaeng naka minis. Di nila mapigilan ang sarili sa nakikitang kagandahan ni ate at sa puntong gusto na nila angkinin ito. Rape


   Di natin dapat ipagwalang bahala ang ganitong bagay, lalo na sa mga babae. Broad ang usapan na ito, madami kasi nag iisip na simple lang ito, pero hindi. Madami pwedeng mangyari dahil sa simpleng pag susuot ng minis.
     Para sa mga babae: Paulit ulit ko na nasabi, takaw mata talaga yang sinusuot nyong minis. Kung di maiiwasan, wag mag gala mag isa. Siguraduhing ligtas lalo na sa gabi, ng di mabastos at mapahamak
     Para sa mga lalake: Oo di maiiwasan ang pagtingin, normal na yan. Pero sana naman gawin ito with DISCRETION. Okay lang tumingin, pero wag naman yung lustful na tingin na parang gusto mo ng kainin at dilaan yung magadang legs ni ate.


Lahat ng bagay may binabagayan, kaya dapat matuto tayong makibagay, para maging kabagay bagay tayo sa mata ng tao



Sunday, July 17, 2011

Ang aking mga "Kaibigan"

Kaibigan, madami ako nyan. Iba't ibang uri: may good friends, meron din naman na bad friends. Nais kong pakilala sa inyo ang isa kong kaibigan, si Pagsusulat. Si Pagsusulat ay isa sa aking mga not that close friend, pero tunay at subok na maasahan. Dumarating siya sa mga oras na wala na talaga akong magawa. Imbis na sumama ako sa iba kong mga kaibigan na sila Gastos, lakwacha, ay hinihikayat parin ako ni Pagsusulat na sumama sa kanya. Pero itong si pagsusulat ay tunay na nakakaantok. Eto na nga habang sinusulat ko to ay tinatawag na ako ni Tulog, isa ko ding kaibigan. Minsan din ay tinatawag din ako ni katamaran para wag maki bonding kay pagsusulat, pero may mga pagkakataon talaga na kay katamaran ako sumasama. Nakakalungkot sa side ni pagsulat, pero wala siya magagawa, kaibigan lang niya ako.


Pero itong si pagsusulat ay malaking ehemplo talaga sa buhay ko. Dahil sa kanya ay nalalabas ko ang aking mga nararamdaman, maging bukas sa realidad ng mundo, maging bukas mata sa mga nangyayari, at madami pang magandang bagay na nakatulong sa buhay ko. Pero itong si sulat ay medyo mahina pa sa akin, mabagal, at lagi nalang siya nauunahan nina Laro, Gastos, katamaran, at kung sino sino pa. Pero sana mas maging close pa kami ni Pagsusulat, at ng iba pa nyang mga tropa na sina Aral, Sipag, at tyaga.

Tunay na pagbabalik

Lagi ko nalang sinasabi ito: Pagbabalik. Pero tingin ko, eto na talaga ang tunay. Ewan ko ba kung bakit ako nagbalik pa sa pag boblog. Siguro dahil sa libangan ko na talaga ang pagsusulat, masarap lang talaga mag express. I really started last, I think way back 2007. Binasa ko lang uli mga dating post ko at ginanahan uli ako mag blog. Now, gagawin ko na to as a hobby. Kahit konti lang magbasa, okay lang.


At sa tingin ko sa panahon ngayon, kelangan ko talaga ang blogging. Dagdag bawas. Bawasan ang mga bad habits, at dagdagan ng maganda(blogging). Through blogging, I think it can help me improve my writing and reading skills which are not my typical habits. Kailangan ko talaga to, lalo na at loner na ko sa panahon ngayon. Magsusulat nalang ako at magbabasa :)

Kahit huminto ako sa pag boblog, nagsusulat parin ako. Hindi na mawawala sakin yun, natural na sakin ang magsulat. Lalo na pag walang magawa. Mas okay kung iboblog ko nalang uli mga naisulat ko, dali pa makita at mabasa muli. Sarap ng ganung feeling.
Expect more from me, ganadong ganado ako mag post. Dami thoughts sa utak ko, at kelangan ko mga reactions nyo. Topics? Anything under the sun. Walang definite topics. Personal experiences at mga nakikita ko nalang. Magsusulat nalang ako kahit ano.

Nabasa ko lang just now: One blogger said,"Blogging is to express not to impress", Big check for this.