Wednesday, November 10, 2010

Bumawi ang Waiter


Freestyle to, hindi ko sinulat sa papel. Kasi mostly talaga mga entries ko sinusulat ko muna, para syempre ma edit ko muna. Pero this time wag na, kasi 1 week na din ang nakaraan ng nangyari to at minamadali na ko at gusto na daw nya mabasa ito.

Itong kasama kong to ay isa sa mga matatalik ko na kaibigan, bestfriend nya ko siguro ituring. Pero ganun lang talaga ako once naging kaibigan TALAGA mo na talaga ako ituturing mo na akong bestfriend. Ganun ako kabait na kaibigan. Oh siya tama na ang yabang, kkwento ko na ang pangyayaring ito.

   Napagpasayahan namin magkita sa sm southmall. 5pm ang napagusapan. Inisip ko sa sarili ko, late na naman to. Kaya ginawa ko nagpalate nalang ako. 5:30 ako dumating. Naalala ko Taena wala nga pala siya load, wala pa siya. Nag antay nalang ako sa malapit sa fountain kasi yun talaga ung meeting place. Kala ko saktong oras lang ako dumating pero, 1 hour ako nag intay. Mabilis pa naman ako mainip, at wala siya load, wala ako pantawag. Para ako nagiintay sa wala. Kumain nalang ako ng scramble para may magawa lang. 

   After 1 hour nagkasalubong nalang kami sa mall, wala kasi cya load. Hulaan nalang kung nasaan cya. Thank God at nagkita na kami. To make the long story short eto na:
Take note: May pagka magaslaw itong kaibigan ko na to, madami cya kwento sakin na kumupit daw cya ng cotton candy sa story land, kumupit ng sweet corn, kumupit sa candy corner. May mga pagkakataon na fail siya, meron naman nakakakuha siya. At eto ang maganda di siya nahuhuli. Bilang kaibigan siyempre pinapayuhan ko siya na wag nya gawin un kasi bad nga naman at pag nahuli, siya ang kawawa.At eto pa, di nakinig sa payo ko at Gusto pang umulit. Ang lupit!!

  Napagpasyahan namin na kumain sa kfc. Mas mahal pa inorder nya sakin. LOL! Ako wow steak lang siya ung combo pa. haha pero ayos lang.Kulang ung order nya ng hot shots. At yun nga wait kumain na kami habag waiting dun sa hotshot. Sarap kumain kasi malamig at nakatapat ung electric fan samin. Lamig! At eto na dumating na si waiter na may dalang dalawang uri ng hotshot, isang regular size at isang Up size. "eto na po order nyo na hotshot sir". At eto namang kaibigan ko na may pagka magancho ay kinuha ung Up size na hotshot, pero ung amin talaga is ung regular size lang. Wala akong alam sa pangyayari kasi di ko naman alam kung anong size un eh. (di ako mahilig kumain ng hotshots sa kfc) Etong kaibigan ko na to, kinuha nga ung Up size na di naman pala samin at binuhos sa kanin! wala parin ako alam, nag eenjoy lang sa pagkain. Yun umalis na ung waiter. Kain lang kami then maya maya may 2 waiter na dumating at sinabing "mali po ung nakuhang hotshots, ung malaki po nakuha, maliit lang po dapat ung sa inyo." At eto na ang inyong lingkod bumanat: "eh bakit hindi mo agad sinabi? Dapat sinaway mo agad!" Isusumbat ko na dapat na tawagin nyo manager nyo kasi nakaka agrabyado kayo ng costumer ng bigla nalang silang umalis. Babanatan ko na sana ng mga malulupit na linya na:
*Tawagin nyo manager nyo, di ako nakikipag usap sa waiter!

*Pwede naman natin daanin sa legal na paraan, tawagan ko lang Abugado kong tatay, teka lang
*Wait lang tawagin ko lang tatay ko na taga nbi. Di ko feel makipag usap sa inyo.

Mga linyang kupas na pero para sakin effective, kkwento ko nalang next time kung san ko nagamit ang mga linya na yan at gaano ka effective.

 Ito namang kasama ko walang paki alam, ng refill pa ng gravy. Yun kain ulit, ng napansin kong may papalapit na cashier na may hawak nag 2 set ng hotshot, big at small ulit. Bago pa siya nakalapit ay pinagsalitaan ko na agad na its your waiter's fault, hindi kami." Haha! natawa nalang ako sa sarili kasi nag sorry pa siya, di pa cya nakakalapit nun. Haha nice talaga, okay talaga minsan na matapang ka, para di ka na mamaliit ng kapwa mo. 

 Sa mga waiter naman, Bawas sweldo bawas sweldo! ayusin ang trabaho, wag tatanga tanga. Dapat ikaw ang magbibigay ng order at di costumer ang kukuha, kasalanan mo na din un kasi di mo agad pinigil AT umalis ka pa agad. TSK!
Un happy eating naman, enjoy sa nangyari. Habang nagkukwentuhan ay napasin kong nilayo nung napahiyang waiter ang electric fan na nakatutok samin, nilayo ng derection ng hangin.Naisip isip ako, "Bawi nalang to ng waiter sa mga bawas sweldong mangyayari sa kanya."